Pages

Sunday, April 3, 2011

Pseudo

Ito yung sinasabi nilang kayong hindi.
Parang malabong usapan, yun bang kulang na lang eh yung tinatawag na " Commitment " .
Mahirap... Masakit...
Sweet kyo sa isa't isa pero hindi mo matawag na kayo.
Hindi ka pwede mag demand at magselos.
Minsan kahit ang sakit sakit na, kelangan mo pa ding itago..
Kasi hindi nga kayo.
Pwedeng hindi kayo dahil hindi pa ito ang tamang panahon, o sadyang hindi lang talaga pwedeng maging kayo.
Ganun pa man umaasa ka pa din na sana .... Pwede!
Kahit anong pagpigil mo sa puso mong wag ma fall, na fafall ka pa din.
Pero diba, hindi ka naman mahuhulog kung hindi ka nya binigyan ng dahilan para mahalin mo sya???
At kapag dumating yung time na gusto mo ng linawin ang lahat dahil sa sobrang labo ng set up nyo, nag aalangan ka magtanong dahil baka hindi ang gusto mong marinig ang isagot nya sayo.
Baka magbago ang lahat kapag nilinaw mo pa. Baka hindi na bumalik sa dati.
Kaya lang minsan mas okay ng linawin, maganda man o panget ang kalabasan atleast nagkaroon ka ng linaw sa namamagitan sa inyong dalawa.
Hindi ka parang bulag na nangangapa o manghuhula na mag ppredict kung ano ba talaga.
Kaya sana kung magkakaroon ka ng lakas ng loob magtanong, siguraduhin mong handa ka sa isasagot nya sayo.
Pano kung ang isagot nya sayo e... "Special ka sakin" , "Confidant" , "Iba ka sa lahat" .
Ano mararamdaman mo?
Malabong sagot pa din diba....
Wala pa ding linaw....
Pero kung ganyan ang isagot sayo, kelangan mong tanggapin na baka nga hanggang dun na lang kayo.
Baka kelangan mo na ding magmuni muni kung ano ba tlga ang balak mo mangyari sa buhay mo.
Mag decide ka.
Would you stay even if it hurts you, or would you rather leave the situation to move on with your life and stop hurting your self???
If you choose to stay, asahan mo ng sa sayang nararamdaman mo tuwing nandyan sya ang kakambal nun e sakit.
If you choose to leave, be ready to manage the pain. Yun bang sa araw araw na lang, lahat na lang ng makita mo o marinig mo, sya at sya ang pumapasok sa isip mo.
Yun bang sa bawat pag tunog ng cellphone mo, inaasahan mong sana sya kahit sobrang impossible na.
Yun bang sakit na habang tumatagal ang araw na wala sya eh lalong sumasakit. =(
Kelangan mong matutunang mabuhay ng wala xa, kahit sobrang nasanay ka na isang text mo lang anjan na sya.
Gawin ulit mga bagay na ginagawa nyo, at pumunta sa mga lugar na dating pinupuntahan nyo.... ng IKAW na lang at wala ng sya...
Ikaw? Ano kaya ang pipiliin mo?

Para sakin, kung matapos man ang tinatawag Pseudo relationship, siguraduhin mong may tinatawag pa din kyong "Closure".
Sa kahit anong relasyon, mas maganda ng may tuldok ang lahat.

Hindi yung... okay naman kyo ng mga nakaraang araw, tapos bigla bigla na lang nawala.
He left you without any clue on why you was left behind...
Hindi ka na nga umaasa ng kahit ano from him....
Pero sana wag naman ganon...
Let her know what is going on, what happened...
Help her understand.

Yan ang Pseudo, pwede ding mawala ng ganon ganon na lang.
Hindi mo namanalayan iniwan ka na pala.
Bakit nga naman magpapaalam???
Kayo ba???

No comments: